Tuesday, October 04, 2005

HELLO/

Matagal nakitang hindi nakita, friend. Alam mo, ang dami ko sanang gusto sabihin sayo pero sa paglipas ng panahon parang naglaho na lahat ang mga salitang iniipon ko. Nagtititigan lang tayo. Kaninong laway ang mapapanis ng una? Kahit siguro sa mga kaibigang matalik tulad natin, nangyayari ito. Kaya buti pa, dahan-dahanin nalang natin. Pero huwag kang mag-alala. Nandito ako para sa iyo palagi.

Mga updates sa buhay ko...
- Ninang nanaman ako! Masaya talaga makakita ng isang sanggol. Pero ngayon, may kasama ng takot kapag nakikita ko sila. Naiisip ko kasi kung anong mangyayari sa kanila kapag laki nila. Cute kung cute ang baby, pero tumatanda yan ng ubod ng bilis. Bawat araw, may natutunang bago. Balang araw, baka magising ako at mabalitaan ko na lang na adik na yang inaanak ko. Sana naman hindi. Nakakatakot magdala ng buhay sa mundo. It's a gift, not a right.

- Naka-produce ako ng "creative" flier na type na type ko. Pwede pa sanang ma-push executionally pero pwede na rin! Masaya ako dahil kahit hindi ito perpekto, sariling likha ko 'to.

- Nakapunta na ako sa 168, Divisoria. Shyet! Nakakaloka! Ang saya saya! Ang mura mura! Hindi na talaga ako mamimili sa mall. Ever.

- Nakapanood ako ng napakasayang plays. Tuwang-tuwa kasi ako kapag nakakapanood ako ng mga performances na talagang mahuhulog ka sa silya mo. The best talaga ang Romeo Luvs Dhweliet sa CCP at Lea Salonda sa Koine Theater. Ang masasabi ko lang talaga... Ang galing, passion kung passion, pawis kung pawis, may kasama pang talsik ng laway.

- Na-meet ko ang director ng "Ang Pagkagising Ko Mula sa Kamulatan". Mali ata ang title... hehehe =) Pero napakagaling ng film kaya todo hangga ako. Someday, sana makagawa ako ng film na kasing raw nito.

No comments: