OT FOREVER/
Pangatlong beses ko na ngayong buwan na matulog sa office. Noong una, masaya pa... parang slumber party with the teamates! Kasi naman... kahit nagtatrabaho, masaya kami. Sagana sa pagkain, sagana sa kwentuhan, walang tigil na tawanan.
Pero hindi na siya masyadong enjoy dahil linggo-linggo, nakasanayan ng may overnight OT ako. Ayaw ko nang magising sa couch sa creative plaza dahil sumisikat na ang araw at parating na ang mga utaw. Nakakapagod na ito.
Ang masaklap pa... walang kwentang ad ang pinagtutuunan ko ng ganitong klaseng dedikasyon. Buti kung gusto ko ang ginagawa ko, pero hindi. Ika nga nila... pang Cannes ito... pang trash can.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment