Sacat!
Kagabi nakatulog ako sa himig ng mga pusang nag-kakangkangan. Para silang dalawang tsyanak na kinakatay, patunay na masakit talaga ang umibig. Lalo na kapag pusa ka. May nagsabi sa akin na ang etits ng pusa ay may thorns kaya ganun sila umungol. Hindi ko malaman kung totoo nga ito dahil hindi ako ever naglakas loob lumabas at silipin sila in action. Pero ang daing nila ay sapat na para maniwala ako. Hindi siya normal. Sa totoo lang, kikilabutan ka sa takot kapag narinig mo ito sa kalagitnaan ng gabi. Next time na naisip mong, ang panget ng buhay mo... tandaan mo ang mga pusa. Kahit sex, isang pleasurable act, ay masakit sa kanila.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment