ants and spontaneous combustion
Feeling ko walang nagbabasa ng blog ko. Buti nalang kasi wala rin namang kwenta itong thoughts ko. Ginagamit ko lang ito para mawala ang matinding sakit sa ulo ko. Ewan ko ba kung bakit lately, laging binubulabog ang aking brain ng pagkamanhid. Masakit siya pero hindi naman. Weird. Siguro unti-unti kinakain ng mga buhok ko ang natitira kong mga brain cells. Sinisipsip na nila ang mga katas ng bumbunan (tama ba?). ah basta, walang kwenta ang mga lumalabas na ideas.
Bugbog na kalooban ko. Parang hinugot ang kaluluwa ko at ipiniga na parang basang basahan.
Buti pa sila, mga taong may kwenta. Hindi sila hinahangin lang ng tadhana... kung saan saan dumadapo at napapaupo. Sana hanginin ako muli at hindi na ako muling bumalik sa lupa.
sana bukas, atakahin ako ng spontaneous combustion. biglaan nalang akong liliyab dito sa napakalamig kung opisina sa makati. aapoy ako ng walang katapusan at ang matitira lang sa akin ay ang aking mga sapatos. bukas, gagandahan ko ang sapatos ko. malay ko nga at mangyari nga. better safe then sorry. and be careful what you wish for, it might just come true.
ang hilig ko sa quotes, noh? para kasing sa dami daming nabuhay na tao... siguro naman ay may sagot sila, sa mga katanungan natin ngayon. sa mga salita nila ang susi sa pag-intindi
sabi ng mga friends ko, sabog na daw ako. ows? hindi pa yan. kaya ko pang sumabog ng todo-todo. gatungan niyo pa at makikita niyo.
kebs ko sa sarili ko... as if naman importante ako. isa lamang akong worker ant sa milyung milyong worker ant sa ant farm na tinatawag nating mundo. ako po si knox, isang worker ant na masakit ang ulo at piga ang damdamin. pwede ba... please lang... may kumuha na ng magnifying glass at itutok sa akin habang ipinaaarawan.
naku! ang galing! baka na-solve ko na ang misteryo ng spontaneous combustion. baka ang mga taong nasunog na yon ay minalas lang na tinutukan ng magnifying glass ng isang higanteng hindi natin nakikita. possible. yan po... ang kaisa-isang matinong thought for the day ko. maraming salamat at magandang gabi.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment