Tuesday, April 12, 2005

Hoy hoy bugoy,

Salamat sa pakikipag usap sa akin ng hanggang ala-sinko y medya kanina. Mali talaga ang pag-inom ko ng Caramel Machiato sa Starbucks. Ilang beses ko nang sinabi sa sarili huwag uminom ng kape sa gabe pero pasaway talaga. Patawad sa paggulo ko sayo, pero alam mong sinadya mo din guluhin ako.

Nakangiti ang puso ko habang isinusulat ko ito. Parang nilisan ang loob ko sa kanyang nakasanayang kabigatan. Hindi ko lang alam kung gaano katagal mananatiling magaan ang aking damdamin, kaya buti pa ay lubos-lubusin ko na.

Tama ka sa sinabi mo. Isa akong Shunga. Nagpapa-martyr sa kahapong piniling magpapakasasa sa kandungan ng iba. Tapos na. Ikakasal na nga sila, diba! Bakit ko pilitang ibinabalik ang nakaraang may wagas na?

Tama na ang pagbabasa ng mga text messages na wala ng kahulugan
Tama na sa pag-iisip ng mga “what if?”
Tama na sa pag-alala sa lahat ng detalye na pinagsamahan
Tama na ang kalungkutan
Tama na ang lahat dahil ang lahat ay tama na.

Ang kulang nalang ay ang aking pag-saya. Bugoy, hindi ko masasabi kung saan tayo papunta o kung may pupuntahan man tayo. Pero alam ko na kapag ikaw ang kasama ko siguradong may halakhakan, may harutan at lalu’t lalo nang may kagaguhan sa anumang madaanan.

May magandang rason para sumaya. Mali ang aking inakala.
Tumitibok pa pala ang nalulumbay kong puso.

No comments: