Saturday, June 10, 2006

ANG KALARO KO SA BAYWALK/
Sana lang, ako ay nakapag-paalam. Mabigat ang dibdib, mabagal ang hininga.
Hindi talaga makapagsulat ngunit pipilitin.

Ano ba ang nangyari noong gabing yun?
Hindi ako isang man-hater na naghahanap na bibiktamahing lalake.
Hindi ka isang bolero na manyakis na babaero.
Hindi ka writer na nagpapanggap na artist.
Hindi ako artist na nagpapanggap na writer.
Walang sosy at walang jologs.

Hindi tayo magkaiba.

Dahil pareho tayong sugatan, madami ng napagdaanan.
May pusong sumuko na hirap ng tumibok.
Pareho ang naghihikahos, naghahanap ng panandaliang pahinga.

Dalawang pusong mahilig mag muni-muni sa tabi ng Baywalk.
Parehong namamangha sa madilim na tubig na biglang nagiging maningning na asul o berde. Parehong natutuwang mag-bike ng alas dos ng umaga.

Parehong nasaktan pero nais paring umasa.
Parehong bata pa.

Kung pwede nalang nating ulit-ulitin ang araw na ‘yon?
Doon natin itayo ang bahay natin. Sa may baywalk kung saan sinabi mo na hindi mo ako ever liligawan. Na sinagot ko naman ng isang desididong, "akala mo naman sasagutin kita!".

Doon sa mapaglarong baywalk. Kung saan hindi araw o gabi.
Kung saan pinag-tripan ni kupido ang isang stupido at isang may topak.

Iniwan natin ang Baywalk
dala ang hiwaga ng mga pangyayari.

Tuluyang naglaro ng...
Away- Bati.
Tayo ba o Hindi?
Pataasan ng Pride.
Taguan at Iwasan.
Kiss and Tell!
Boom Boom! Bang Bang!

Bawat pagkikita... magulo, laging may kwento.
Sadyang ganyan kapag ang nakataya ay puso.
Higit isang taon na ang lumipas at
ang gayuma ng gabing iyon ay pawala na.
Ramdam natin ito pareho.
Nakakapagod na ang maglaro, baka panahon ng
magseryoso...
Siguro dapat matuwa nalang sa mga alaala ng gabing iyon. Dulot nito ang isang taong puno ng drama, puno ng comedy, puno ng tawanan at asaran, puno ng lokohan at katotohanan, puno ng sakit at pagmamahalan. Piliin nalang mabuti ang mga gustong tandaan.
Malapit na ang paglipad ko at may minamahal kang anghel na sasagip sa iyo.
Pareho nating iginusto ang direksyon na ito. Choose your adventure ika nga.
Sana lang, ako ay nakapag-paalam. Mabigat ang dibdib, mabagal ang hininga.
Hindi talaga makapagsulat ngunit ang daming nasabi.
Hanggang dito nalang ang kwento ng dalawang bata sa baywalk.
Nagka-sense ang may topak. Tumalino ang stupido.

Kaya paalam bugoy... paalam yanyan... paalam kaibigan.
Paalam at salamat.
---------------------------------------------------------------------
If you don't love yourself, no one's love will ever be enough.

No comments: