SABIT/
Ang hirap umuwi ng may iniisip na sabit.
Mabigat ang feeling, hindi ka makatulog.
Nanunuot sa isipan ang kailangang gawin.
Guilty ka na hindi mo pa tinapos…
Kasi naman, ipinagpabukas mo pa ang pwede namang gawin ngayon.
Isa akong malaking SABIT.
Ang sabit ay parang tinga’ng naninirahan sa singit ng ngipin mo.
Pilitin mo mang kalimutan, babalik at babalik pa rin siya sa isipan.
Kung pwede lang sanang kutkutin at tanggalin, ginawa na kanina pa!
Ang daming sabit, ang daming kailangan tapusin.
Ang daming kailangang gawin bago makaalis ng maayos.
Para makauwi ng mapayapa.
Hindi masaya ang merong sabit.
Dahil kahit maliit man siya… ang hirap hindi pansinin.
Kahit hindi siya importante,
hindi mo mabitawan.
Isa siyang tinga, na kapag hinayaan…
ay unti-unting mabubulok at makakasira.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
Better than feeling unutilised ryt?
Post a Comment