“MAS PRACTICAL NA IKAW LANG ANG MABASA”/
Yan po ang sinabi sa akin ng aking kaibigang lalake noong hindi siya nakakuha ng payong para sunduin ako sa aking naka-park na kotse. Inihabilin ko na magdala ng payong dahil nga sa biglang buhos ng ulan sa labas, ngunit hindi daw niya nakuha ang text ko in time… So, ipinatakbo nalang niya ako sa ulan.
Totoo nga ang kasabihang, “chivalry is dead”. Kailangan mo lang sumakay ng MRT at tumayo sa rumaragasang tren upang mapagmasdan ang mga upuan na punong-puno ng mga nagtutulog-tulugang mga lalake para i-confirm… hindi pala… i-confeeerm na ang pagka-maginoo ay patay na. O baka, tulad ng mga mapagkunwaring mga lalake… nagtutulog-tulagan lamang… kumportableng umupo , ngunit hindi makatingin sa mga mata ng mga babae, mga buntis, at mga lolang nakatayo at natutumba-tumba sa pagyugyug ng tren.
I guess we got what we deserved. Equality for all, diba? Salamat sa inyong mga feminista! Dahil sa inyong mga bra-burning efforts, ang kababaihan ngayon ay maaari ng makipagsapalaran at makipagsisikan sa mundo ng lalake. Yun nga lang, hindi sila makakaupo. At kahit umulan, ay hindi na sila kailangang payungan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment