EARTHQUAKE/
Gumalaw ang lupa.
Naramdaman ko ang kilabot nito
sa 35th floor ng isang gusali dito sa Makati.
Nanginig ito sa lungkot at pagkabigo
Hindi na kayang dalhin ang mga Filipino.
Mga taong abala ngunit walang pupuntahan
Lahat naging salot sa sarilang bayan.
Mga politiko at mayayamang makapangyarihan
lagi nalang nanggugulang.
Walang pakialam kong sinong matapakan
Mga oposisyong puno lamang ng hangin at ingay
patalikod kong lumakad, nagsama pa ng alalay
Mga masang bayaran, daga ng lipunan
Sinusundan lamang ang gutom ng tiyan.
Mga middle class, gusto lamang ay magtrabaho.
Walang pakikisama.
Iniisip lamang ay sariling pag-asenso
Lahat sila ay karapatdapat puksain,
Kaya ang lupang ilalim umangal na rin.
Sa bigat ng ibinibigay nating pagdurusa,
kahit putik ay mawawalan ng pasensiya.
Isang babala lamang…
Magbago na tayo.
Dahil ang galit ng kalikasan
ay hindi natin kontrolado.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
It seems like you are bashing every sector of our poor country. Tsk tsk tsk. Sige lang, ipagpatuloy mo yan.
Post a Comment