Thursday, October 06, 2005

GIVE M.E./

Paano mo masasabing mahal mo ang trabaho mo? Siyempre ang isasagot ko diyan ay, oo. Pero ngayong linggo naipatunayan ko hindi lang sa salita, pati talaga sa gawa.

Lahat na naibigay ko sa trabahong ito. Literal na. Blood, sweat and tears.

Sa mga nagdaang mga buwan, ilang beses na ako naiiyak sa mga kahirapan ng pagiging-creative. Mukhang masaya ang trabahong ito, pero may halo rin namang hirap. Masakit sa ego. Araw-araw may rejection, ang daming mga ideas na itinatapon. Pinagpawisan din ako ng todo dahil hindi ko na mabilang kung ilang araw na akong nagtiis sa walang air-con na ahensiya kapag nag-oOT. Tumatagaktak ang pawis sa lebel ng frustration sa paggawa at paggawa na nauuwi lang sa wala.

Kahapon, nakumpleto ko na dahil pati dugo... ibinigay ko na. Literal. Nagbigay ako ng dugo. May blood drive kasi ang aming munting ahensiya. Dahil tumulong ako sa pag-advertise, obligado akong mag-donate- kahit nanginginig ang tuhod ko at nanlalamig ang mga kamay ko sa pagkita palang ng mga nurse at mga nakahigang tao.


Oh well, ok naman, tulad ng mga maraming nakakatakot na bagay... ilusyon lang pala. Hindi pala ganun kasakit ang pagsaksak sayo ng matalas na karayom. Masarap ang feeling na nakatulong ka sa iba, kahit na J-Lo ako ng o pagkatapos.

Ito nga pala ang creative flier na ginawa ko para sa blood drive. Isa siyang love letter na naka-fold sa shape ng heart.



Copy Outside Letter:
Type kita

Copy Inside Letter:

Hello,

Alam mo, feeling ko, ikaw ang hanap-hanap ng aking puso. OA ba? Pero totoo!
Mukha ka namang mabait, matulungin at mapagbigay. Minsan, iniisip ko na parang wala na akong mahahanap na tulad mo. Nanghihina na nga ako sa kakaisip, nawawalan ng lakas at naghihintay nalang ng pagkakataong lapitan ka. Hindi ko na matiis. Kailangan ko na talagang malaman kung type mo rin ako.

Ikaw ba’y A, B, AB, o ‘di kaya O? Kahit ano pa man ang type mo, kaya mong mapalapit sa puso ng mga nangangailangan ng iyong kahit kaunting panahon at pansin.

Mag-donate ka naman ng dugo sa darating na blood drive. Isang pint lang ng dugo ang hinihingi ko. Malay mo ‘pag gumaling ako, ako naman ang makatulong sa iyo balang araw.

Nagmamahal,
Forever-Waiting-4u



Give to the Blood Drive at the 14th Floor, Ayala Avenue, Makati. October 5, 2005, from 9am to 5pm. A project of love in cooperation with the National Kidney Foundation.

No comments: