Monday, June 20, 2005

REBUTTAL TO GROSS ENCOUNTER/

May isa akong kaibigan na nag-comment na medyo “gross” daw ang entry ko tungkol sa mens. Nagustuhan naman daw niya noong bandang huli, ngunit feeling ata niya ay masyado akong naging graphic sa aking pagtalinhaga ng aking mga damdamin.

Ang sagot ko diyan ang magpakatotoo nalang tayo! Marami sa mga gawain natin ay hindi kanais nais… lahat naman siguro tayo ang nagkakamot ng puwet, nangungulangot kapag walang nakatingin, nangangati sa singit, nagkukutkot ng maduming daliri o baka naman balakubak sa ulo, umuutot ng patago, tumatae ng mabantot, at kung anu-ano pa!


“Gross” lahat ito!

Bakit ko naisipang gawan ng isang madamdaming tula ang mens? Mismo dahil nakakadiri siya. Kadiri na, hassle pa! Gusto ko lamang isaad sa pamamagitan ng makabagbagdamdaming tula ang mga pinagdadaanan ng isang babae kapag meron siya.

Para sa mga walang uterus, hindi simpleng paglalabas ng dugo ang mens. Hindi ganun kasimple yon! Madaming mga pangyayari sa katawan ng isang babae na hindi niya minsan namamalayan. Itong mga pangyayaring ito ay isang rason kung bakit may mga panahon na ubod ng sungit at pagka-irritable ng mga babae minsan. Yon ay PMS (or pre-menstrual syndrome). Iba-iba ang epekto sa babae. Ako hindi nagiging iratable… nalulunod lang ako sa pagka-emotional ko.


(Buti na rin upang makasulat ako ng literaturang nakakakdiri.)

May PMS na, may dysmenorrhea pa o menstrual cramps. Kung hindi ka pa maingat ay tatagusan ka pa. Leche! Masyado na akong maraming nakitang mga babaeng namimilipit sa sakit, maraming narinig na kunsumidong mga istorya, at higit sa lahat ang dami ko na ring panting nilabhan para magmuwang-muwangan. Aminin man natin o hindi madugo talaga ang maging isang babae.

No comments: