Saturday, May 07, 2005

FUBU o BF?/

Summer na summer na. Sa tuluyang pag-init ng panahon kasama ang pag-iinit ng mga laman loob. Malibog ang mga tao. Sa sobrang init- kaya siguro na-uso ang pagkakaroon ng fubu or fuck buddy. Dapat mamulat na an ating mga mata na ang pagkakaroon nang fuck buddy ay hindi na isang “foreign” concept na napanood natin sa movie na “Vanilla Sky”.

Actually, maaring matagal na siyang nandito, ako lang ang hindi nasabihan.

Kung tutuusin, ang fubu ay magandang alternatibo sa isang BF. Kasi minsan hindi mo naman talaga kailangan ng pang-matagalang pagmamahal. Minsan ang hanap mo lang ay panandaliang aliw na nakukuha mo sa isang gabi nang matinding paglalambing. Atsaka, napakadrama nang magka-BF. Madaming issues: kailangan mong pakisamahan, intindihin, pagbigyan, mahalin, pagkatiwalaan, gastusan. Walang katapusan ang listahan… at hindi ka pa makakasiguradong siya na nga ang makakasama mo habang buhay. Eh ang fubu, simple. Napakadali. Kung kailangan mo siya, tawagan mo siya. At kung kailangan ka niya, nandyan siya para sayo. Isa lang naman ang hihingin niyo sa isa’t isa… katawan. Palitan lang nang pag-iinit. Tapos.

Saludo ako sa mga babaeng kayang magka-fubu. Dahil hindi nila kailangan ng lalake sa pag-gising nila. Hindi nila kailangan mang-damay sa drama nang buhay. Kaya nilang ihiwalay ang uhaw ng katawan at ang uhaw ng kaluluwa.

Ako... kahit gustuhin ko man, feeling ko hindi ko kayang makipag-fubu. Hindi ko kayang lokohin ang sarili ko. Para sa akin kasi ang sex ay (at the very least) dapat may kasamang tunay na pagmamahalan. At kahit madrama at mahirap ang makipag-relasyon, papasukin ko pa rin ‘to. Dahil ang sarap magmahal at ang sarap na may nagmamahal sayo. Ang sex ay napakaliit na bagay kapag itinabi mo sa pagibig.

Kung ikaw papipiliin, gusto mo ba na may mabuting makasama o mabuting kasama sa kama?


Aminado ako, isunulat ko lahat yan para lang magamit ko ang last line. Shyet, ang witty kasi!

No comments: