BALIK BAYAN/
Wala akong masabi. Ang ganda ng Pilipinas.
Kahit pa man traffic. Kahit pa man mainit.
Kahit pa man an EVAT ay 12% at ang isang dolyar ay 49 pesos nalang.
Ang ingay, ang dumi, ang hirap... lahat 'yan inaangkin ko.
Dahil Filipino ako.
Ang layo ng pinunta ko para lang madiskubre kung sino talaga ako.
Napakasimple naman pala.
Bakas sa mukha ko, sa kulay ko at sa dugo ko ang hinahanap-hanap kong sagot.
In a sea of white faces and mixed cultures,
doon ko nakita kong sino talaga ako.
Isa akong Filipino.
Ngayon ang tanong, ano ba talaga ang Filipino?
EWAN.
Sa ngayon, kuntento na ako sa tanong.
Ang tanong na ito ang bumulabog sa akin sa States.
Ang tanong na ito ang nagbibigay tunay na kailangan kong bumalik.
Putangina! It's good to be back.
(Sorry for swearing, pero wala talagang tatalo sa lutong ng murang Filipino)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
4 comments:
welcome back!
Home is where your heart is? Sabi ko na sa iyo magput-up na lang tayo ng business....We can make it!!!!
knoxy :-) next week, meet up? eebanah. p.s. sobra kong tuwa na ika'y nagbalik na. marami tayong kwentong dapat ipamahagi. :-)
wow, tagalog :-)
Post a Comment