Thursday, June 01, 2006

1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8, 9, 10/
Ready here or not, here I come.
Taguan na naman. May taya at ay may mga dapat hanapin.
Hindi masyadong nakakatuwa itong nakatayo sa dilim. Madaming demonyong umaaligid sa isipan. Lumabas ka na kasi. Alam mo namang mahahanap din kita. Maaring hindi ngayong gabi dahil sa panahong ito kinakaibigan ko pa ang dilim. Sana lumabas ka nalang ng kusa. Huwag mo na akong pahirapan pa.
Makikita din kita. Kung sakaling mainip, magpakita ka muli sa aking panaginip.
Dali! Baka magbago ang isip ko at bigla akong maglaho.
Ikaw naman ang taya. Hanapin mo ang nakaraan, hulihin ang ala-ala.

No comments: