ADIK SA DRAMA/
Puberty years nung sinabi sa akin ni mother dear, “You live in a fairy tale. You think your life should be like the books and movies!”. Pagkatapos yun ng isang emotional na away. Yung tipong away na ako yung talo at ang last resort ko ay magtampo at magkulong sa kuwarto kung saan mabilis kong isinasaad ang aking mga “feelings” sa isang diary entitled “thoughts”.
Buti nalang at tapos na ang mga araw na yun.
Pero, ngayon ko lang aaminin na baka may point siya dun. Araw araw kasi nakikita ko kung paano ko ginagamit ang pagiging overly-emotional para bigyang kulay ang buhay. It's so much more exciting when you're agonizing over something... mga issues sa trabaho... mga problema sa puso... inis sa sistema, sa ekonomiya. Walang katapusan ang mga bagay na pwedeng i-dramatize.
Pero hindi lang naman ako ang nag-fifeeling leading lady. Ang pagiging drama queen ay laganap sa aking henerasyon.
Madaming naghahanap ng drama sa buhay. Papano naman wala tayong mga mabibigat na problema. May problema man, hindi naman kasing grabe ng isang world war o ng bubonic plague o ng isang great depression. We've never faced life and death situations, kaya ang drama natin... "Does he love me ba talaga? He didn't reply to my text... baka may ka-date siyang iba". O pwedeng ring, " Is this really where I'm meant to be? If I'm good at what I do, then why am I not making enough money?". Ang daming etching! Ang simple simple na nga ng buhay ngayon. Tayo lang ang magulo… tayo lang ang mga komplikado.
Ang buhay ay hindi isang telanovela. Hindi tayo mga karakter na lagi nalang inaapi at pinagtutulungan dustahan ng tadhana.
Ngunit, hindi ko rin masisisi ang mga taong hinahanap-hanap ang mga intense emotions na kinalakihan nila sa mga soap opera, telanovela, libro at pelikula. Sinu naman ang ayaw maging isang Russell Crowe sa “Gladiator”. Naipaglaban niya ang mga paniniwala niya at nakuha pa niya ang pagmamahal ng reyna. Buti pa si Carrie Bradshaw sa “Sex and the City”, nakatira sa New York City, the city that never sleeps. Buti pa si Meredith sa “Grey’s Anatomy”, surgical intern palang… pinagnasahan na ng isang top-notch attendee. Buti pa si Juday na may minamahal na bulag na Piolo. Buti pa ang buong cast ng Friends! Mapapantayan ba ng totoong buhay ang ganitong klaseng excitement? Hindi siguro.
Pero ayaw nating maniwala dahil lahat tayo ay mga adik sa drama.
Adik sa mga komplikadong plots at subplots na bumubulabog sa mga karacter sa TV. Adik sa halakhakan, sampalan, iyakan at aksyon. Adik sa porn at sa video games at sa pirated dvds. Adik sa mga momentous events and life-changing moments. Adik sa passion and romance.
Adik sa reality TV, lalo't lalo na sa PBB.
Adik tayong lahat at siguro ay, ok lang yun. Ano naman ang buhay kung walang kaunting drama? Huwag lang sanang over. Corny ang mabuhay sa isang telanovela.
---
Para ito sa pinaka-emosyonal na tao sa balat ng lupa. Happy Anniversary. Isang taon na rin tayong nagdadramahan. Salamat sa lahat ng twists and turns na ibinigay mo sa istorya ng buhay ko. Mula sa biglaang pagdating mo hanggang sa mga away nating nauuwi sa iyakan, adventure ang bawat araw na kasama kita. Kahit ang simpleng kwentuhan at biking sa Manila Bay ay nagiging eksena sa pelikula. I-cue mo na ang sappy music at na sa Flames episode na tayo!
Sinu pang maghu-hug sayo?
Sinu pang hihiga sa lap mo?
Sinu pang mangingiliti sayo, tapos ide-deny mong nakikiliti ka?
Sinu pang kukuha ng water for you sa seattle’s best, katipunan?
Sinu pa ang matatalo mo sa pinoy henyo?
Sinu pang sasapakin mu at babatuk-batukan?
Sinu pang maglalagay ng unan sa likod mo pag nagda-drive ka?
Sinu pang kasama mu sa ilog? Sa dead-end?
Sinu pang makikihati sa baon mo?
Sinu pang magyayaya sayong tumakbo pag may umaaway sayong malalaki?
Sinu pang mag-aabang sa pagdating mo araw-araw at 11:30 am?
Sinu pang willing na alagaan ka at makasama ka hanggang pagtanda?
Sinu pang aayaw magdala ng violet mong baunan?
At sinu pa ang magtatanong sayo ng maraming “sinu pa”?
Sinu pang maiinis na nasa bahay lang sya, idle, at hindi ka nakikita?
Sinu pa? Ha? Ha? Ha?
Sino pa nga ba, kung hindi ikaw? Ang hari ng drama. =)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment