BYE-BYE BABY/
Matagal na akong hindi nakapag-sulat. Marami akong tinangkang tapusing entry, pero hindi ko magawa. Busing-busy kasi ako sa aking baby. Ang baby ng buhay ko… ang kaisa-isa kong baby bro. Pero ngayong lumipad na siya patungong Saudi Arabia, makakapagsulat nanaman ako. Wala nanaman akong matinong aasikasuhin kung hindi ang aking sarili!
Sobrang saya ko na nakasama ko ang kapatid ko, kahit pa man dalawang buwan lang. Itong entry ay para sa kanya.
Sana balang araw mabasa mo ito, kapatid ko.
Sa musmusang edad mo hindi mo pa namamalayan kung anong saya ang dinadala mo sa ating pamilya at sa mga nasa paligid mo.
Hulog ka ng langit.
Bago ka ipinanganak, away ng away si Papa at Mama. Bata palang ako pero alam kong malala na ang sabatan nila. Feeling ko lang na kung hindi ka dumating, baka tuluyan na ito sa hiwalayaan. Pero sa awa ng Diyos, lahat ay nagbago sa pagdating mo. Sino ba namang makakapag-away pa kapag nakikita nila ang nanlalaki mong mga mata.
Tuwang-tuwa ang lahat sa mga bago mong natutunang mga expressions. Kaunting ngisi lang o kaunting pagpungay ng mata at lahat mangha-mangha na. Ang lago lago pa ng buhok mo nun… para kang isang bulililit na Elvis! Noong baby ka pa, tuwang-tuwa ako kapag pinupulupot ng mga daliri mo ang isang daliri ko.
I can’t describe how I felt seeing your little fingers clasped tightly around mine.
I guess that’s when I really knew that I was finally a big sister.
Sa aking paglaki, nagkahiwalay tayo. Pero sa mga panahong nagkakasama tayo, para tayong mga aso. Away ng away pero daig pa ang lovers kung maglambingan. Alam ko na ibubuwis ko ang sarili kong buhay para lang protektahan ka. Alam ko na ramdam mo ito, Pero hindi mo siguro alam kung ilang beses mo nang nasagip ang buhay ko. Kapag sobrang nawawalan ako ng pag-asa at gusto ko na talagang bumigay, naiisip kita kapatid ko. At sinasabi ko sa sarili, “Anong iisipin niya kung bigla akong mawala?” Punong puno ka ng buhay at pagmamahal at hindi ko yata kayang wasakin ang pagka-inosente mo. At ayoko ring Makita
Masaya ako na nakauwi ng maayos, kahit nalulumbay ang puso ko sa pagkawala mo sa aking tabi. Hindi ko makakalimutan ang dalawang buwan mo dito. Natatakot ako dahil magbibinata ka na, baka hindi na kita makilala sa susunod nating pagkikita. Sana wala masayadong magbabago. Sana kahit gaano ka pa kalaki, ako pa rin ang ate mo.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment